Partido nina Marcos, Sotto seselyuhan alyansa

Magsasanib-pwersa ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nationalist People's Coalition (NPC) sa parating na 2025 mideterm elections.

Magsasanib-pwersa ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Nationalist People’s Coalition (NPC) sa parating na 2025 mideterm elections.

Ang PFP ay partido kung saan kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang si dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III naman ang chairman ng NPC.

Ayon kay Sotto, ang kagustuhan para sa “genuine unity, strength, and continued positive change” ang naging dahilan para maging magkaalyansa ang dalawang partido.

“Historically, the NPC has always been supportive of the elected President. With urgency, we continue to push for unity among the leaders of our great nation. With that in mind, our party will heed the call of the PFP,” ayon kay Sotto.

“I believe this alliance will foster cooperation and strong support for our President considering our party has almost 4,000 members, of which 1,910 are incumbent public officials,” aniya pa.

Giniit din ni Sotto na ang partnership ng PFP at NPC ay pagpapatunay ng kanilang pagpapahalaga sa public service.

Nakatakdang isapormal ang alliance ng PFP at NPC sa Makati Diamond Residences ngayong Sabado, May 18.