Pari winaldas pondo ng simbahan sa Candy Crush

Kalaboso ang isang pari mula Pennsylvania, USA matapos mabuking na ginastos niya ang $40,000 na pondo ng kanyang simbahan sa paglalaro ng Candy Crush at iba pang gaming application.

Kalaboso ang isang pari mula Pennsylvania, USA matapos mabuking na ginastos niya ang $40,000 na pondo ng kanyang simbahan sa paglalaro ng Candy Crush at iba pang gaming application.

Kinilala ang pari bilang si Lawrence Kozak mula sa St. Thomas More Parish.

Ayon sa affidavit ng Pennsylvania State Police, mula Setpyembre 2019 hanggang Hunyo 2022 ay higit 2,000 ang transaksyon na pinaggamitan ni Kozak sa kanyang credit card.

Bukod sa Candy Crush, ginastusan umano ni Kozak ang mga slot machine apps na Cash Frenzy, Willy Wonka Vegas Casino, at Wizard of Oz.

Depensa ni Kozak, hindi siya nagsusugal, ngunit ginamit niya ang pera sa laro para lumakas.

Nahaharap siya ngayon sa kasong theft by unlawful taking, failing to make required disposition of funds at accessing a device he was unauthorized to.