Pari sa Leyte, sinibak ng Santo Papa dahil umano sa sexual abuse

Tinanggal ni Pope Francis sa pagkapari si Pio Cultura Aclon ng Diocese ng Borongan dahil umano sa sexual abuse.

Pormal nang tinanggal ni Pope Francis ang isang pari sa Diocese ng Borongan sa Tacloban City, Leyte dahil umano sa sexual abuse.

Inanunsyo ni Borongan Bishop Crispin Varquez nitong nakaraang Linggo, Setyembre 17, na ipinagutos ni Pope Francis mismo ang pagtanggal kay Pio Cultura Aclon sa pagkapari dahil sa diumano sa pang-aabuso sa mga bata.

“He is, therefore, no longer a cleric and cannot exercise priestly ministry in the Church,” pahayag ng isang Informationis Causa na inilabas noong Hulyo 18. Ang desisyong ito ay binasa sa lahat ng simbahan at kapilya ng Diocese ng Borongan.

Mapanghamon namang sinabi ni Aclon sa pamamagitan ng isang social media post, na gusto niyang matanggap mismo ang naturang Informationis Causa, na isang pormal na sulat mula sa Santo Papa.

“I give you 10 days to provide us with the letter. Actually, you have been telling this to people during the death of ‘Nanay,'” pahayag ni Aclon, na nanindigan dapat sa kaniya umano unang sinabi ang desisyon.