Pares in na tsibog ngayon!

Talaga namang gumagawa ng ingay para sa mga food vlogger ang iba't ibang paresan ngayon.

Talaga namang gumagawa ng ingay para sa mga food vlogger ang iba’t ibang paresan ngayon.

Isa sa mga sikat at dinarayong paresan ay ang sa social media personality na si Deo Balbuena, o mas kilala rin bilang Diwata.

Ayon sa ulat ng Jessica Soho, maging ang katabing kainan ni Diwata, na nagbebenta rin ng pares, ay kumikita ng hanggang P100,000 kada araw.

Habang ang paresan naman sa may Quezon City na Mr. Pares ay blockbuster din ang pila. Nakakapagluto umano sila ng 800 kilo hanggang isang toneladang karne.

Kung noon ay nasa isa hanggang dalawang libo lang ang kinikita nila kada araw, ngayon ay nasa six digits na ang pasok ng kita.

Samantala, paalala ng health expert sa pagkain ng pares, maghinay-hinay upang maiwasan ang pagtaas ng kolesterol.