Parehistro na! SSARAP ilalarga ng Comelec sa Bicol University

Ilulunsad ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang Special Satellite and Register Anywhere Project (SSARAP) sa Bicol University (BU).

Ilulunsad ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo ang Special Satellite and Register Anywhere Project (SSARAP) sa Bicol University (BU).

Ayon kay Comelec Region 5 Director Juana Valenza, ang SSARAP ay naglalayong mapalaganap ang voter education sa mga estudyante. Bukod pa rito, isa sa pangunahing aktibidad sa SSARAP ang voter registration.

“The activity with the theme ‘Kugos para sa mga Botante’ will be a voter education and registration initiative to give and instill to the young generations the importance of participation in the democratic process. The activity will be open to all and expected to increase the registered voters in the province,” wika ni Valeza.

Target ng Comelec na marehistro ang nasa 30,000 estudyante ng BU. Gaganapin ang SSARAP mula Pebrero 19-20 sa East Campus Gymnasium ng naturang pamantasan.

Samantala, ngayong linggo ay binuksan ng Comelec ang kanilang Register Anywhere Project (RAP) program sa pitong lugar sa Bicol Region. Sa tulong ng mga RAP sites, mapapadali ang pagpaparehistro, reactivation, at paglilipat ng rehistro ng mga botante.

Ang RAP ay binuksan sa Virac, Catanduanes; Sorsogon City, Sorsogon; Masbate City, Masbate; Legazpi City, Albay; Daet, Camarines Norte; at Pili at Naga City sa Camarines Sur.