Parating na ang milyones niya: PCSO, pinoproseso na ang higit P12-milyong premyo ng sunog na tiket

Tila malapit nang matapos ang ngayo'y siyam na taon nang paghihintay ng isang lalaking nanalo ng jackpot sa lotto subalit nasunog ng bahagya ang tiket.

Tiniyak ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ni pinoproseso na nito ang P12,391,000 milyong premyo ng lalaking may bahagyang sunog na tiket, matapos makipagpulong sa kanya.

“I assured him that I will expedite the process of his claim. Kailangan lang may certificate of finality from SC. I will make sure that he enjoys the fruits of his winnings ASAP. I wanted to put a closure on this issue,” pagtitiyak ni PCSO general manager Mel Robles sa isang pahayag.

Matatandaang isinangguni ni Mendoza sa Balayan Regional Trial Court ang kaniyang kaso, at pinanigan naman ito.

Nakarating ito sa Court of Appeals, na pinanigan rin si Mendoza at inutusan ang PCSO na ibigay ang napanalunan ng lalaki.

Umabot rin ito sa Supreme Court, na pumanig rin kay Mendoza at inatasan ang ahensiya na ibigay agad-agad ang grand prize na dapat ay noon pa sana natanggap.

Unang nagpunta si Mendoza sa PCSO Main Office noong Oktubre 2014 dala ang isang handwritten account nang nangyari sa winning ticket.