Parangal sa isang alamat: BIR at Agham Roads sa QC, isusunod sa pangalan ni Miriam Defensor-Santiago

Tanyag si Senador Miriam Defensor-Santiago sa kanyang galing at talino, partikular na sa mga batas. Dalawang beses rin siyang tumakbo sa pagkapangulo subalit hindi pinalad sa parehong pagkakataon.

Naisabatas na ang pagpapalit ng pangalan ng Agham Road at BIR Road sa Lungsod Quezon.

Isusunod sa pangalan ng yumaong senadora na si Miriam P. Defensor-Santiago ang mga naturang kalsada, sa bisa ng Republic Act (RA) No. 11963.

Naging ganap na batas ito matapos mag-lapse ito noong Oktubre 12, isang buwan nang dalhin ito ng Kongreso sa mesa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanyang pirma.

Tinaguriang “Iron Lady of Asia” si Santiago, na kilala sa pagiging prangka at matapang. Nagsilbing huwes at commissioner ng Bureau of Immigration si Santiago, bago maging senador. Dalawang beses rin siyang tumakbo sa pagkapangulo subalit hindi pinalad sa parehong pagkakataon

Inaatasan ng batas ang Department of Public Works na magpalabas ng mga kinakailangang mga alituntunin at kautusan hinggil sa pagbabago ng pangalan at ipatupad ang mga probisyon ng batas sa loob ng 60 na araw mula sa pagiging epektibo nito.