Parang pabebe girls lang! Walang makakapigil sa tigil-pasada sa Lunes — transport group

Kahit pa binawi na ang mga akusasyon ng korapsyon sa LTFRB kaugnay ng PUV Modernization Program ay tuloy na tuloy pa rin raw ang planong tigil-pasado ng grupong Manibela.

Inanunsyo ng transport group na Manibela nitong Biyernes na tuloy ang kanilang planong tigil-pasada sa Lunes, Oktubre 16.

Tuloy pa rin ang kilos protesta kahit pa binawi na ni dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) senior executive assistant Jeffrey Tumblado ang kanyang mga alegasyon sa ahensiya hinggil sa korapsyon.

“Aside from the issue of the alleged corruption in the said agencies, the transport strike will also call for the suspension and review of the government’s Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) which eventually led to graft and corrupt practices of some government officials,” sabi ng Manibela.

Matatandang isiniwalat ni Tumblado noong Lunes ang mga umano’y tiwaling aktibidad na nangyayari sa loob ng ahensya, na naging rason naman para suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si LTFRB chair Teofilo Guadiz III.

Unang inanunsiyo ng Manibela ang plano nitong tigil-pasado noong pang Oktubre 10.