Parade of Lights at Drum and Lyre Corps competition, Ginawa Kasabay Sa Pagbubukas Ng Paskuhan Sa 2D Albay

Inilunsad ng Team Albay Youth Organization Incorporated (TAYO) ang aktibidad na isinabay din sa kanilang selebrasyon ng Paskuhan sa 2D Albay.

Legazpi City- Nagpagalingan ang apat na eskwelahan galing sa iba’t ibang bayan sa Albay sa ginawang Drum and Lyre Parade of Lights Competition 2023 ng weekend sa lungsod ng Legazpi.

Galing ang mga kasali sa Legazpi National High School, Daraga National High School, Malabog National High School at Naga National High School ng Tiwi, Albay.

Sa props at costume pa lang pabonggahan na ang mga lumahok. Pagdating naman sa exhibition part tinodo na talaga ng bawat eskwelahan ang kanilang tibay. Pero sa huli, kinilala bilang kampyeon ang Naga National Highschool, naiuwi din nila ang Best in Street Parade, Best in Majorette, Best in Music, at Best Visual.

Kinilala naman bilang 1st runner up ang Legazpi National High School habang 3rd placer naman ang Malabog National High School at 4th runner up ang Daraga National High School.

Inilunsad ng Team Albay Youth Organization Incorporated o TAYO ang aktibidad na isinabay din sa kanilang selebrasyon ng Paskuhan sa 2D Albay.

Kasabay ng aktibidad, sabay din na ipinakilala sa publiko ang mga kasali sa Sir Kong Pogi 2023 na miembro ng PNP, BFP, Philippine Coast Guard at Philippine Airforce kung saan gagawin ang kompetisyon sa darating na Disyembre 18 sa Ayala Malls Legazpi sa lungsod ng Legazpi.