Para tapos na gulo! Bato kay Quiboloy: Harapin kaso

"Sana harapin niya para matapos na ‘yung gulo na yan."

“Sana harapin niya para matapos na ‘yung gulo na yan.”

Nagbigay ng payo si Senador Ronald “Bato” dela Rosa kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy na sumuko na ito sa kinakaharap na kaso.

Ayon sa Senador na wala na umano siyang ubang maipapayo dahil hindi umano dapat balewalain ang hustiya.

“Wala naman tayong ma-advice harapin nya kung kinahaharap nyang kaso and let the wheels of justice roll. Mayroon tayong hustisya. Sana harapin niya para matapos na ‘yung gulo na yan,” pahayag ni Bato sa isang panayam sa radyo.

“He has no choice… Harapin nya yan. Nandiyan yan, nakafile na kaso na yan. Otherwise, kung ayaw nya harapin, magtago sya ng pinaka-secure lugar na di siya makita. You cannot evade the long arm of the law. Hahanapin ka talaga, lalo na may standing warrant of arrest,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Bato na dapat sumuko rin ang sinumang tumutulong kay Quiboloy na magtago dahil nilalabag din nila ang batas.

“Gawin nila nararapat sa batas. Yung sa warrant, chargeable talaga yan sa mga taong nagkakanlong sa kanya. ’Yung sa Senado, titingnan natin yan ano magiging action ng OSAA kung makita nila may ganong ginagawa yung ibang tao. Tingnan natin kung kailangan na magfile ng ganong kaso,” saad pa nito.

Si Quiboloy ay nahaharap sa mga kasong child abuse, sexual abuse, at paglabag sa pagdalo sa mga pagdinig sa Senado.