Para siguradong mura ang bilihin: Mas mababang taripa sa produktong agrikultura, ipatutuloy ni PBBM

Bilang paghahanda sa mga maaaring epekto ng El Niño ay mas pinalawig pa ng pangulo ang mas mababang taripa sa bigas, mais, at karne upang masigurong may sapat na suplay ng mga ito at maibaba ang presyo ng mga nasabing produkto.

Mas pinalawig pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapababa sa taripa ng bigas, mais, at karne hanggang Disyembre 2024 upang masigurong mura ang presyong ng mga ito kahit pa may El Niño at African swine fever sa bansa.

Ang pagpapalawig ng mas mababang taripa ay naging pormal nang pirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order (EO) No. 50 noon pang Disyembre 22, ayon sa Presidential Communications Office.

“The present economic condition warrants the continued application of the reduced tariff rates on rice, corn, and meat of swine (fresh, chilled or frozen) to maintain affordable prices for the purpose of ensuring food security, managing inflationary pressures, help augment the supply of basic agricultural commodities in the country, and diversify the country’s market sources,” paliwanag ni Marcos sa EO 50.

Tinatayang tatagal ang El Niño sa bansa hanggang Hunyo.