Para Senador? Abby Binay namigay ayuda sa labas ng Makati

Umabot na sa labas ng Makati ang pamamahagi ng ayuda ni Mayor Abby Binay.

Umabot na sa labas ng Makati ang pamamahagi ng ayuda ni Mayor Abby Binay.

Sumama ang alkalde ng Makati sa pagbibigay ng financial assistance sa mga residente ng Floridablanca, Pampanga.

Bukod kay Binay ay kasama rin sa nagbigay tulong sa mga taga-Pampanga si Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo at Floridablanca Mayor Darwin Manalasan.

Umuugong ang posibleng pagtakbo ni Binay sa 2025 para maging senador.

Ang kanyang kapatid na si Senador Nancy Binay naman ay matunog din na posibleng tumakbo sa pagka-Makati mayor.