Para safe ang bikers natin: Pondo para sa bike lanes, tinaasan nitong 2024 ng Kongreso—mambabatas

Sa ngayon ay may kabuuang 564 kilometrong bike lanes na ang naitatayo ng pamahalaan sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao. Inaasahan naman ng Department of Transportation na aabot ito sa 2,400 kilometro hanggang 2028.

Dinoble ng Kamara ang pondo para sa Active Transport and Safe Pathways Program (ATSPP) sa P1 bilyon mula P500 milyon upang mapabilis ang pagpapagawa sa mga protected bicycle lanes.

“In the 2024 General Appropriations Law, we bumped up to P1 billion the budget for bicycle lanes with durable physical separation from mixed traffic lanes,” saad ni Quezon City Rep. Marvin Rillo sa isang pahayag. “This is our way of reassuring Filipinos that cycling is a sustainable alternative mode of mobility.”

Aniya, P500 milyong lamang ang inisyal na hiningi ng Department of Budget and Management (DBM) para sa ATSPP, subalit tinaasan ito ng Kamara para na rin isulong ang pagbibisikleta bilang paraan ng transportasyon.

“We are absolutely determined to promote cycling and lessen harmful motor vehicle emissions in the interest of public health,” ani Rillo.

May kabuuang 564 kilometrong bike lanes na ang naitatayo ng ATSPP sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao. Inaasahan naman ng Department of Transportation na aabot ito sa 2,400 kilometro hanggang 2028.