Para sa patuloy na paglago ng ekonomiya: Bagong tanggapan na tututok sa mamumuhunan, itinatag ni PBBM

Kabilang sa mga gagawin ng OSAPIEA ay ang pagbibigay sa pangulo ng mga mahahalagang payo sa mga isyung may kinalaman sa ekonomiya, kabilang na ang inflation, trabaho, at food security.

Ibinaba na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Executive Order (EO) No. 49 na magtatatag sa Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA) sa ilalim ng Office of the President.

Layon nitong siguraduhin ang tama at epektibong pagpapatupad ng mga polisiya at programa ng pamahalaan na may kinalaman sa ekonomiya at negosyo.

“There is a need to further strengthen the existing mechanisms for formulation, coordination and implementation of the Government’s economic initiatives, plans, policies, and programs, as well as to establish a robust monitoring system to ensure a holistic and cohesive approach to addressing the diverse economic challenges currently confronting the nation,” paliwanag ng pangulo nang inilabas niya ang nasabing EO.

Sa ilalim nito, pangungunahan ng Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) ang OSAPIEA.

Hinirang ng pangulo si Frederick D. Go bilang Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA). Una nang inatasan ng pangulo si Go bilang Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs.

Kabilang sa mga gawain ng SAPIEA ay ang pagbibigay sa pangulo ng mga mahahalagang payo sa mga isyung may kinalaman sa ekonomiya, kabilang na ang inflation, trabaho, at food security.

BASAHIN RINTulong kontra inflation ni PBBM: Programang P5,000 na cash aid para sa maralitang manggagawa, kasado na sa ilalim ng 2024 budget–Romualdez