Para sa pag-unlad ng probinsya! Kinatawan ng 3 distrito ng Masbate sa Kamara, 18 opisyal ng mga bayan ng lalawigan, sumanib sa Lakas-CMD ni Romualdez

Kasama ng mga kongresista ng Masbate ang 17 alkalde ng mga bayan at isang bise alkalde sa lalawigan sa naturang probinsya ang nanumpa bilang mga bagong miyembro ng Lakas-CMD.

Sumanib ang mga kinatawan ng lalawigan ng Masbate sa Kamara sa partido ni House Speaker Martin Romualdez, ang Lakas-CMD, kasama ang 17 alkalde ng mga bayan at isang bise alkalde.

Pinangunahan ni Romualdez ang panunumpa sa partido nina Masbate Representatives Richard Kho, Olga Kho, at Wilton Kho noong Martes, Nobyembre 29 sa kanyang tanggapan sa Batasan Complex.

Kasama ng mga Kho ang 17 alkalde ng mga bayan sa Masbate at isang bise alkalde sa naturang probinsya, ayon kay Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD.

“We are elated to welcome our colleagues and local officials who, we believe, share our deep commitment to help our beloved President, Ferdinand Marcos Jr. further grow our economy, create more income and job opportunities and make food products accessible and affordable. In sum, to make life generally better for our people,” sinabi ni Romualdez sa isang pahayag.

Umaasa si Romualdez na magkakaroon ng “memorable and fruitful engagement with us, and we look forward to exchanging views and experiences with them.”

“We thank them and our local officials for joining Lakas-CMD,” aniya.

Sinaksihan rin ang panunumpa ng mga bagong miyembro ng Lakas-CMD nina House majority leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe, House Senior Deputy Speaker Dong Gonzalez, Lakas-CMD Secretary General at Agusan del Norte Rep. Joboy Aquino, at Deputy Speaker at Isabela Rep. Tonypet Albano.