Para sa mas maunlad na hinaharap! Bagong Pilipinas, patunay sa kagustuhan ni PBBM na paunlarin at ayusin ang bansa

Ang Bagong Pilipinas na inilunsad ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay patunay sa kagustuhan nitong paunlarin pa at ayusin ang bansa.

Patunay sa kagustuhan ng gobyerno na paunlarin pa at ayusin ang bansa ang Bagong Pilipinas na inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon kay House Speaker Martin Romualdez bago ang kickoff rally nito sa Quirino Grandstand nitong Linggo, Enero 28.

“This ‘Bagong Pilipinas’ campaign is a call to unity, a rallying cry for every Filipino to come together, transcending differences and working hand in hand for a brighter and more prosperous tomorrow,” aniya.

Kasabay ng naturang rally ang ika-10 Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na ginanap sa Zambales, kung saan inihatid nito ang highit P500-milyong halaga ng tulong mula sa pamahalaan.

“Like the BPSF that we implemented to respond to the call of President Marcos Jr. to bring the government closer to the people, the Bagong Pilipinas shares the same principle: that programs and projects of the government should be made accessible to the people,” ani Romualdez.