Para sa malinis na enerhiya: ‘123 Agreement’ para sa nuclear energy, pirmado na ng PH, US

Sa ilalim ng kasunduan, tutulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang makagamit ito ng nuclear energy.

Lumagda ang Pilipinas at Estados Unidos sa isang kasunduan para sa civil nuclear cooperation.

Personal na nasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tinatawag na “123 Agreement” nitong Biyernes, Nobyembre 17 (Manila time), sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa San Francisco, California.

Sa ilalim ng kasunduan, tutulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya upang makagamit ito ng nuclear energy.

“We see nuclear energy becoming a part of the Philippine energy mix by 2032, and we would be more than happy to pursue this path with the United States as one of our partners,” he said in his remarks during the signing of the agreement,” saad ni Marcos tungkol sa naturang kasunduan, na inilarawan niyang “another milestone towards a more energy secure and green Philippines.”

Magtutulungan rin ang dalawang bansa sa energy security at tamang paggamit ng mga nuclear equipment.

“The signing of the Philippines-United States Agreement for Cooperation Concerning Peaceful Uses of Nuclear Energy, or the 123 Agreement, is the first major step in this regard, taking our cooperation on capacity building further and actually opening the doors for US companies to invest and participate in nuclear power projects in the country,” dagdag pa ng pangulo.