Para sa magandang kalusugan ng bawat Pilipino! Iba pang mga specialty center, itatayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa—PBBM

Nakapagpatayo na ang DOH ng 131 specialty centers hanggang sa kasalukuyan. Nakatakda rin itong magpatayo ng mga specialty center para sa toxicology, infectious diseases, physical rehabilitation, at mental health.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagpapatayo ng mga specialty center sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng P11.12-bilyong pondo na inilaan para rito.

“Noong August 24, 2023, pinirmahan ko ang Republic Act No. 11959 known as the Regional Specialty Centers Act. Ito’y mga ating specialty centers, specialty hospitals sa iba’t ibang lugar,” ani Marcos sa isa video message sa kanyang social media pages.

Sa ilalim ng batas, inatasan ang Department of Health (DOH) na magpatayo ng mga specialty center sa mga ospital nito sa bawat rehiyon. Ang specialty center ay isang pagamutan na nakatuon lamang sa isang aspeto ng kalusugan, gaya na paggamot sa cancer, pag-aalaga sa baga at bato, pag-aalaga sa utak.

Nakapagpatayo na ang DOH ng 131 specialty centers hanggang sa kasalukuyan. Nakatakda rin itong magpatayo ng mga specialty center para sa toxicology, infectious diseases, physical rehabilitation, at mental health.

Kaugnay niyan, sinabi rin ng pangulo na mas pinalawig pa nito ang programang Doctors to the Barangays, kung saan 91% ng mga munisipalidad ang may mga doktor na.

“Kaya’t napaka importante nito, patuloy pa itong programang ito para naman masabi natin na talaga nating binabantayan ang kalusugan ng ating mga mamamayan,” aniya.