Para sa kalusugan nina lolo’t lola: Panukalang batas para sa health assistance, isinusulong sa Kamara

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa 9.2 milyon na ang senior citizen sa bansa.

Isinumite na sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng halagang P1,000 para sa mga gamot pang-maintenance ng mga senior citizen.

Ito ay para mas mapaganda pa ang kalidad ng kanilang pamumuhay at maibsan ang kahirapan.

Ayon kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, na co-author ng House Bill (HB) 9569, ang naturang panukala ay pagtugon sa isa sa mga mabigat na isyung kinakaharap ng mga senior citizen, partikular na ang mga mayroon ng mga sakit.

BASAHIN RIN: Para kina lolo at lola! Panukalang batas na cash grant para sa seniors edad 80, 90, lusot na sa Senado

“It (HB 9569) acknowledges the fundamental importance of preserving and enhancing the health and well-being of senior citizens in our society,” saad ni Tulfo sa isang pahayag nitong Lunes, Nobyembre 20.

Aniya, may kamahalan rin ang maintenance para sa mga tinatawag na chronic at long-term illness, at ito ay pabigat sa mga senior citizen.

“This bill recognizes this burden and aims to alleviate it by providing financial assistance,” paliwanag pa ni Tulfo. “It acknowledges that managing chronic diseases should not be compromised due to economic limitations.”

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tinatayang nasa 9.2 milyon na ang senior citizen sa bansa.

BASAHIN RIN: Labs namin sina lolo’t lola: 5-taong plano para sa mga nakatatanda, kasado na