Para sa bayan! Mga guro piniling magturo sa Pag-asa Island

Pinatunayan ng mga guro sa Palawan na handa silang magsakripisyo para maturuan lang ang kabataang Pinoy sa Pag-asa Island kahit pa delikado.

Pinatunayan ng mga guro sa Palawan na handa silang magsakripisyo para maturuan lang ang kabataang Pinoy sa Pag-asa Island kahit pa delikado.

Sa kabila ng banta ng mga barko ng China na patuloy na rumoronda sa Kalayaan Island Group, hindi nagpatinag ang ilang guro na magpadestino rito.

Isa na diyan si Eunice Grace Cabitac, na kusang nag-volunteer na magturo sa Pag-asa Island Integrated School para gabayan ang 83 mag-aaral.

Sa panayam ng ’24 Oras’, sinabi ni Cabitac na kahit malayo sila sa kanilang pamilya ay ayos para masiguro ang magandang edukasyon ng mga bata sa Pag-asa Island.

“Malayo man kami sa pamilya, pero masaya kami na nakikita namin ‘yung mga estudyante na natututo sila habang nandito kami,” ayon kay Cabitac.

“Siguro, hopefully, magagamit kami sa kanilang pag-aaral na mai-ano ang aming kakayanan,” saad pa.