Para sa Bagong Pilipinas! ‘Legacy projects’ ni PBBM, ipatutupad sa P5.768-trilyon national budget para sa 2024—Zaldy Co

Ipinaglaban ng Kamara ang mga probisyon para sa pagpapataas ng food production para labanan ang inflation, pagbibigay tulong sa mga maralitang pamilya, at pagbibgay ng social at medical services sa mamamayang Pilipino.

Aprubado na sa bicameral conference ang panukalang P5-768-trilyon na national budget, na ayon kay Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co, ay nakatakdang pondohan ang tatlong “legacy projects” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na may kaugnayan sa food security, dekalidad na healthcare, at murang pabahay.

Sinabi ni Co, na siya ring chair ng appropriations committee ng House of Representatives, na ipinaglabang lubos ng Kamara ang mga probisyon para sa pagpapataas ng food production para labanan ang inflation, pagbibigay tulong sa mga maralitang pamilya, at pagbibgay ng social at medical services sa mamamayang Pilipino.

“Pagkain, trabaho, kalusugan, edukasyon at pabahay—’yan ang mga pamana ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bibigyang katuparan sa pamamagitan ng pambansang budget sa 2024 at mga susunod na taon,” ani Co.

“But apart from regular budget items, we’re most proud of three legacy projects that President Marcos and (House) Speaker Martin Romualdez hope to fulfill through this budget. These include Legacy Food Security, Legacy Specialty Hospitals, and Legacy Housing for the poor,” dagdag pa niya.

Ang inaprubuhang P5-768-trilyon na national budget ay nakatuon rin sa mga sektor ng edukasyon, health care, infrastructure, at social services.