Para-paraan talaga: Kakaibang modus ng dayuhan, bistado ng DOJ

Bistado na ng DOJ ang modus ng mga dayuhan upang manatili sa bansa kahit ipinapa-deport na.

Nadiskubre ng Department of Justice (DOJ) ang isang modus na ginagaamit ng mga dayuhan upang hindi agad ma-deport at maituloy ang mga iligal na gawain nila rito.

Sa modus na tinawag ng DOJ na “Demanda me,” kakasuhan ng dayuhan ang sarili niya ng patong-patong na kaso para manatili pa ng mas matagal sa Pilipinas. Ito ay dahil hindi matutuloy ang deportation hangga’t may mga iniimbestigahan pa.

“We found that half of the detained foreigners filed cases against themselves so that they could not be deported,” sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa budget hearing ng DOJ. “There was a Japanese who filed 12 cases against himself so he could stay in the country. We studied every case, we dismissed every case.”

Tiniyak naman ni Remulla na hahabulin ng DOJ ang mga abugadong kasabwat ng mga dayuhang gumagamit ng nasabing modus.