Para palakasin samahang ‘Pinas-US: PBBM lilipad pa-Washington

Tuloy-tuloy ang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga Presidente ng iba't ibang bansa upang maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Tuloy-tuloy ang pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Presidente ng iba’t ibang bansa upang maiangat ang ekonomiya ng Pilipinas.

Matapos ang pakikipag-usap ni Pangulong Marcos sa lider ng bansang Germany at Czech Republic, nakatakda naman ngayon siyang bumyahe patungong United States (US).

Ito ay para mapalakas umano ang samahan ng ‘Pinas sa Estados Unidos.

Base sa pahayag ng Palasyo, na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang Pangulo ay magkakaroon si Presidente Marcos ng bilateral meeting at trilateral meeting summit kasama sina US President Joe Biden at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Abril 11.

“While in Washington, D.C., President Marcos will also be hosted by President Biden in the White House for a meeting that will acknowledge the remarkable progress in Philippines-United States ties and the enduring commitment on both sides to further strengthen the alliance,” saad ng DFA.