Para may pambili pangkain: Estudyante nagbebenta droga, kalaboso!

Naaresto ang isang Grade 9 student nang mahuli ito dahil sa pagbebenta ng droga para umano may mapangkain.

Naaresto ang isang Grade 9 student nang mahuli ito dahil sa pagbebenta ng droga para umano may mapangkain.

Ayon sa ulat, nadakip ang suspek na si alyas Ran-ran, 16 anyos, sa Sitio Bato, Barangay Ermita sa Cebu City.

Nakuha umano sa menor ang 12 pakete ng hinihinalang shabu na nasa walong gramo ang timbang at tinatayang nagkakahalaga ng P5,440.

Base kay Ran-ran, napilitan lang umano siya magbenta ng iligal na droga dahil sa kahirapan ng buhay.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ngayon ng Women and Children’s Protection Desk of Carbon Police Station ang menor.