Para malinaw lang: Plakang ‘8’ ng mga mambabatas, hindi awtorisado ng Kamara

Walang "8" na mga plaka ang inilabas para sa mga sasakyan ng mga miyembro ng House of Representatives, ayon sa isang opisyal ng Kamara.

Nilinaw ng House of Representatives na hindi pa ito naglabas ng mga plaka para sa mga miyembro nito.

Sinabi rin nito na hindi awtorisado ng Kamara ang paggamit sa mga naturang plaka na kilala sa numerong 8.

“The House of Representatives has not released or authorized the use of official plates for vehicles of House members,” sabi sa pahayag na nilabas ng House of Representatives na pinirmahan ng secretary general nito na si Reginald Velasco.

Kanya naman sinabihan na rin ng Kamara ang Land Transportation Office (LTO) na hulihin ang sinumang gagamit sa nasabing plaka.

“I am seeking representation with the Land Transportation Office and Metro Manila Development Authority to apprehend the drivers of vehicles bearing “8” plates and confiscate the expired or spurious plates,” dagdag pa ni Velasco sa parehong pahayag.