Para malaman ang totoo: Pulong kay VP Harris, para sa kapayapaan at seguridad sa WPS—PBBM

Tatalakayin pang muli ng dalawa ang mga maaaring hakbang ng bansa para mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa WPS.

Pangunahing tinalakay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris ang sitwasyon sa West Philippines Sea (WPS).

Iyan ang inanunsiyo ng pangulo matapos ang one-on-one meeting niya kay Harris bago magsimula ang APEC Summit na ginaganap ngayon sa San Francisco, California.

“We had a meeting with Vice-President Kamala Harris before the beginning of the APEC conference and… she was very interested to know what our assessment was on the situation in the West Philippines Sea, and I just went through the narrative of… what had happened in the past few months,” saad ni Marcos.

Dagdag ng pangulo, tatalakayin pang muli ng dalawa ang mga maaaring hakbang ng bansa para mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa WPS.

“And we tried to discuss some of the ways forward and I think that generally speaking, especially after my meeting with President Xi [Jinping], which I’m going to have some time today. After that, we will put together the ways forward,” aniya.

Sa parehong pulong, tiniyak naman nina Harris at Marcos na pareho nitong nais na mas palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos pagdating sa pagpapatupad ng pandaigdigang mga batas at seguridad.