Para makasigurong may pagkain ang bawat Pilipino! Modernisasyon ng sektor ng agrikultura, magbibigay-ginhawa sa lahat–PBBM

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang makabagong controlled-climate Magnolia poultry farm ng San Miguel Foods sa Hagonoy, Davao del Sur.

Modernisasyon ng sektor ng agrikultura ang magdadala ng ginhawa sa mga magsasaka at mangingisda, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Punto ni Pangulong Marcos, kailangan mas maunawaan ng mga mamamayan na nakasalalay ang kinabukasan ng bansa, lalo na ang kasiguruhan sa supply ng pagkain, kapag natuloy ang modernisasyon ng sektor ng agrikultura.

“We have to also explain to our people. We also have to show them that this is the way forward. This is the way of the future,” giit ni Pangulong Marcos sa event sa Davao del Sur kung saan pinasinayaan niya ang pagbubukas ng isang mega-poultry farm ng San Miguel Corp. Huwebes ng umaga, Oktubre 12.

“We can definitely do anything that they do abroad, anything that we can see that are advantageous to the food supply. We can adopt here and adjust it to the Philippine conditions,” dagdag pa ni Pangulong Marcos, na tumatayo ring agriculture secretary.

“But again, that for me is the most important part, is that people realize that this is the way forward, we can no longer depend on the informal production of food in the way that we have depended on for very, very long time,” aniya.

Bunsod na lumalaking populasyon at sa mga pagbabago sa sitwasyon sa iba’t ibang parte ng mundo, kailangan gumawa ng mga paraan at programa ang gobyerno upang masigurong walang magugutom na Pilipino, paliwanag ng Pangulong Marcos.

“And we are showing — this facility such as this are showing the way how to do it. We must industrialize our agriculture,” dagdag ng opisyal.