Para makagawa ng AI na bantay ng tindahan! Google Philippines nag-aalok ng libreng online na kurso tungkol sa artificial intelligence

May handong na libreng kurso sa artificial intelligence ang Google Philippines, at maaaring itong kuhanin online.

May handog na good news ang Google Philippines sa mga Pilipinong interesado sa artificial intelligence o AI.

Inanunsiyo ng sikat na tech company nitong Miyerkules, Setyembre 27, ang isang libreng kurso sa AI skills development para sa mga Pilipino.

Ang naturang kurso ay maaaring kuhanin online, ayon sa Google Philippines.

“The good news is this [course] is free. Anyone can access this anytime, anywhere, at no cost. The courses feature a wide array of topics, including the difference between generative AI and other types of AI, responsible AI and machine learning and much more,” sinabi ng kumpanya sa isang pahayag.

Dagdag pa ni Gonzales, maaaring kumuha pa ang mga interesadong Pilipino ng mga kurso sa machine learning at data, na gaya ng AI ay in-demand sa larangan ng teknolohiya.

Matatandaang umugong ang usapin sa AI matapos maglabas ang GMA News ng mga AI sportscaster kamakailan lamang.