Para ‘Love the Philippines’ talaga: Mga serbisyo sa turismo, aayusin pa ang sistema—PBBM

Binigay na ehemplo ng pangulo ang turismo ng Thailand, na aniya ay mayroong “more organized” na sistema kung saan mas madali para sa mga turista ang mag-book ng kanilang mga flight at tutuluyan, pati na rin ang pagkuha sa mga drayber nito at tour guide.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kawani ng pamahalaan may kinalaman sa turismo, sampu ng mga pribadong organisasyon, na pagsama-samahin sa isang organisadong sistema ang mga serbisyong may kinalaman sa turismo.

Iyan ay para gawing mas kaaya-aya ang bansa sa mga banyagang turista at palakasin pa ang turismo nito.

Ibinaba ni Marcos ang direktiba matapos nitong makipagpulong sa Private Sector Advisory Council Tourism Sector sa Malacañang.

Binigay na ehemplo ng pangulo ang turismo ng Thailand, na aniya ay mayroong “more organized” na sistema kung saan mas madali para sa mga turista ang mag-book ng kanilang mga flight at tutuluyan, pati na rin ang pagkuha sa mga drayber nito at tour guide.

Paliwanag niya, mas organisado ang sistema ng turisma sa Thailand dahil mga service providers na mismo ang umaasikaso sa mga kailangan ng mga turista.

“So, there’s the thing. I guess, you know, consolidate the system so that it’s because when you’re on vacation, you just want to stay at the beach and have a nice time. So, I think it’s the facilities that we have to develop,” saad niya.