Para kina lolo at lola! Panukalang batas na cash grant para sa seniors edad 80, 90, lusot na sa Senado

Aprubado na sa Senado ang panukalang batas na magbibigay ng P10,000 cash grant ang mga senior citizen na aabot ng 80 anyos samantalang P20,000 naman sa mga aabot ng edad 90.

Aprubado na sa Senado ang panukalang palawakin ang coverage ng Centenarians Act of 2016, na nagbibigay ng P100,000 cash grant sa mga senior citizens na aabot sa edad 100.

Sa ilalim naman ng kapapasa lang na Senate Bill (SB) No. 2028, o ang Expanding the Coverage of the Centenarians Act, bibigyan ng P10,000 cash grant ang mga senior citizen na aabot ng 80 anyos samantalang P20,000 naman sa mga aabot ng edad 90.

“The rising cost of living and healthcare expenses has made it very difficult for our senior citizens to afford basic necessities… It is hoped that more of our elderly population may be able to benefit from the Centenarians Act and that they may be inspired to further prolong and enjoy their lives even beyond a century,” paliwanag ni Senador Imee Marcos, na siyang nag-sponsor ng SBN 2028.

Nakasaad rin sa SBN 2028 na maaaring mabago ang halaga ng cash grant depende sa inflation. Magtutulong-tulong rin ang Philippine Statistics Authority, Department of Interior and Local Government, Department of Information and Communications Technology, at mga local government units upang tukuyin ang mga benepisyaryo.