Para iwas siksikan: PDL sa QC jail inilipat ng kulungan

Inilipat na ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) ang ilang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas.

Inilipat na ng Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) ang ilang mga persons deprived of liberty (PDLs) sa bagong Quezon City Jail sa Barangay Payatas.

Kabilang sa mga nailipat ay ang mga senior citizens at may karamdaman, ayon sa BJMP-NCR.

Kamakailan ay itinurn-over ng Quezon City government sa BJMP ang bagong pasilidad para maiwasan ang pagsisiksikan ng mga PDL at magkaroon ng mas malawak na piitan ang mga ito.

May laki kasi na 2.4 na ektarya ang pasilidad, kung saan kaya nitong ma-accommodate ang higit 3,000 PDLs pa sa dating jail facility.

Naiayos na rin ang perimeter fence para matiyak ang seguridad sa loob ng bagong piitan.

Ayon kay QC Jail Warden JSupt. Warren Geronimo, tuloy ang pagsasagawa ng BJMP ng decongestion program sa city jail.