Para iwas-putol ng daliri: Pagbabawal sa paputok, mahigpit na ipatupad—mambabatas

Nakikita ng mambabatas ang magandang mithiin ng dating administrasyon sa pagbabawal sa pagpapaputok, kaya naman nais niyang ipagpatuloy ito ng kasalukuyang pamahalaan para iwas trahedya na.

Nanawagan si Sen. Imee Marcos sa pamahalaan nitong Miyerkules, Disyembre 27, na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng Executive Order (EO) na ibinaba ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ipinagbabawal ang pagpapaputok.

“Obligado ang [present] admin pagtibayin ang dating EO,” saad ni Marcos sa isang pahayag. “So until there is another order from the Executive that supersedes EO 28-2017, the administration has to implement it.”

Dagdag pa niya, may “good wisdom” sa likod ng EO 28, na naglalayong iwasan ang “misuse” of firecrackers” na maaaring maging dahilan ng isang medical emergency o trahedya, gaya ng sunog o pagkaputol ng mga daliri.

BASAHIN RIN: Walang kadala-dala! 16 karagdagang biktima ng paputok, naitala ngayong Pasko 2023—DOH

“Let us welcome the new year with our fingers, limbs, and lives intact,” ani Marcos.

Matatandaang una nang nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga lokal na pamahalaan na ipagbawal ang mga paputok at i-regulate ang mga fireworks display.

BASAHIN RIN: Matamlay na pasok ng 2024 para sa mga pagawaan? Total ban vs paputok, itinutulak ng DILG sa mga LGU