Para iwas init, ulan! Kongresista iminungkahi ‘climate-resilient’ na classroom

Iminungkahi ni Pasig City Representative Roman Romulo, na nangunguna sa komite ng basic education and culture, na dapat isaayos ang mga silid aralan sa bawat paaralan upang maging handa ito aa anumang klase ng klima.

Iminungkahi ni Pasig City Representative Roman Romulo, na nangunguna sa komite ng basic education and culture, na dapat isaayos ang mga silid aralan sa bawat paaralan upang maging handa ito aa anumang klase ng klima.

Kamakailan lang kasi ay nagkaroon ng suspensyon sa klase dahil sa matinding init na dala ng El Niño.

Sinabi ni Romulo, dapat pag-usapan ng Department of Education (DepEd), the Department of Public Works and Highways (DPWH), at iba pang ahensya ng gobyerno ang disenyo ng mga silid-aralan na angkop sa panahon ng tag-init at tag-ulan.

“For the simple reason na hindi handa ang classrooms natin. We don’t have enough classrooms, even the existing classrooms, hindi siya weather-resistant. Hindi niya kaya ‘yung init kasi ‘yung pagka-design sa kanya ay medyo mainit talaga,” pahayag ni Romulo.

Aniya, upang maiwasan ang init para sa mga guro at estudyante ay ibalik sa dating school calendar na Hunyo-Marso ang unang araw ng pasukan.

“Siguro for the peace of mind and mental wellness of our teachers and students and their parents, ibalik natin gradually sa old calendar. But moving forward, kailangan ‘yung mga itatayong classrooms, kahit papaano ‘yung disenyo niya, may ventilation dapat na maayos,” wika pa nito.