Papanagutin dapat ‘yan: Kamara, iimbestigan ang kumpanya ng e-cigarette sa tax evasion at tax fraud

Natagpuan ang bulto-bultong e-cigarettes na ipinuslit sa isang raid sa warehouse sa Valenzuela kamakailan.

Nakatakdang imbestigahan ng House Ways and Means Committee ang e-cigarette na Flava sa posibleng tax evasion at tax fraud. Ito ay matapos ang raid sa isang warehouse sa Valenzuela kung saan natagpuan ang bulto-bultong e-cigarettes na ipinuslit sa bansa.

“We will investigate the matter as soon as possible, to see the extent of the fraud and tax evasion. If this is just one warehouse, imagine how much the value of evaded excise taxes must have been over its entire operations,” paliwanag ni House Ways and Means Committee chair at Albay Rep. Joey Salceda sa isang pahayag.

Nasakote sa naturang raid ang P1.43-bilyong halaga ng produkto, kasama na ang P728-milyong evaded taxes.

“So, really, on the warehouse raid alone, you could be looking at a penalty of PHP7.28 billion. Once we factor in all past offenses, the amount could be staggering,” dagdag ni Salceda.