‘Papalit-palit eh’: PBBM naguguluhan sa posisyon ni Duterte sa Cha-cha

Inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na naguguluhan siya sa posisyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa economic Charter change (Cha-cha).

Inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na naguguluhan siya sa posisyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa economic Charter change (Cha-cha).

Aniya, kailangan niya munang intindihin nang mabuti upang maintindihan ang naging pahayag ng dating pangulo.

“Na-co-confuse ako kay PRRD papalit-palit eh,” ani Marcos sa isang interbyu.

“Titignan ko muna kung ano ba talaga ang sinabi niya para maintindihan ko. I think, hindi ko talaga naintindihan kasi parang naiiba bawat salita niya. So, I will try to make sense of it,” dagdag pa niya.

Sa prayer rally para kay Pastor Apollo Quiboloy, binanatan ni Duterte si Marcos at sinabing kaya lamang ito sumusuporta sa Cha-cha ay para mai-extend ang kanyang termino.

Salungat ito sa kanyang pahayag noong nakaraang buwan kung saan nagpahayag siya ng pagsuporta sa pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.