Paolo Contis aminado: Mahirap mahalin mga lalaki!

Sinabi ni Paolo Contis na isa sa mga pinakamahirap gawin sa mga lalaki ay ang mahalin ang mga ito.

Sinabi ni Paolo Contis na isa sa mga pinakamahirap gawin sa mga lalaki ay ang mahalin ang mga ito.

Sa GMA’s “Fast Talk With Boy Abunda,” sinagot ni Paolo Contid ang tanong na: “If you were to tell me one thing about men… Sabihin mo sa akin, ano ‘yon?”

Diretsong sagot ng aktor: “Tito Boy, mahirap mahalin ang lalaki.”

Ito ay dahil aniya hirap ang karamihan ng mga lalaki na ipahayag ang kanilang nararamdaman, lalo na ang sakit.

“I have to be honest, nakakainggit ‘yung ibang mga tao that they’re open about their feelings. Maraming tagong angst, pain ang lalaki because we always have to act strong. And sometimes you’re not that strong and you cannot show it to the people,” paliwanag nito.

Samantala, matatandaang kamakailan ay umingay ang balita na in-unfollow umano ni Yen Santos si Paolo.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang dalawa ukol dito.