Panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga smuggler, hoarder ng agriculture products, inihain na sa plenaryo ng Senado

Uusisain na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga smuggler at hoarder ng produktong agrikultura.

Inihain na sa plenaryo ng Senado ang panukalang magtatakda sa mas mabigat na parusa para sa mga smuggler ng produktong agrikultura at iligal na pag-imbak nito.

Kinastigo ni Senator Cynthia Villar ang smuggling sa kanyang sponsorship speech ng Senate Bill No. 2432, na naglalayon rin itakda bilang krimen na economic sabotage ang pagsasagawa ng smuggling ng mga agricultural at fishery product na magkakahalaga ng P1 milyon pataas.

“Smuggling is one of the reasons why many of our farmers continue to live in poverty. The illegal entry of agricultural products threatens their livelihood and the welfare of two-thirds of our population who depend on agriculture,” sinabi ni Villar sa kanyang talumpati.

“Illicit trade exposes consumers to unregulated products often manufactured in unsanitary conditions. Farm commodities being smuggled into the country include sugar, corn, pork, poultry, garlic, onion, carrots, fish, and cruciferous vegetables as per data cited by the Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agriculture,” dagdag pa niya.

Nawawala sa gobyerno ang higit sa P200 bilyon na kita dahil sa pagpuslit ng mga iligal na produktong pang-agrikultura, ayon sa mambabatas.

“Smuggling brings about unfair competition for locally produced goods because it floods the market of cheaper agricultural products; it puts undue risk to our consumer’s health, deprives the government of revenues from uncollected taxes and customs duties, encourages corruption and threatens the rule of law,” she went on.

Ayon sa panukalang batas, papatawan ng parusang panghabangbuhay ng pagkabilanggo at multang magkakahalaga ng tatlong beses sa halaga ng mga ipinuslit na produkto. Dawit din rito ang mga kakuntsaba ng mga akusado.