Panukala ni Tulfo: Ikulong amang hindi nagbibigay sustento!

Inaprubahan ng House Committee on the Welfare of Children ang panukalang batas na magbibigay parusa sa mga tatay na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.

Inaprubahan ng House Committee on the Welfare of Children ang panukalang batas na magbibigay parusa sa mga tatay na hindi nagbibigay ng suporta sa kanilang mga anak.

Ang sinumang ama na hindi nagbibigay ng suporta kahit may trabaho, negosyo, o iba pang paraan ng pagkita ay maaaring makulong nang anim na buwan hanggang mahigit dalawang taon.

Sinabi ni Erwin Tulfo, isa sa mga nagpanukala ng naturang batas, hindi na umano kakailanganin ng mga ina na lumuhod para sa sustento ng anak.

“This bill will help solo parents, numbering around 15 million of our population, in supporting their children. Hindi na po kailangan lumuhod at magmakaawa ng mga ina sa mga ex nila at ama ng mga bata para sa sustento,” pahayag nito.

Lalo pa umano na marami sa mga nagpapabaya ng kanilang anak ay mayroong posisyon sa gobyerno.

“What is really unfortunate, some of these irresponsible fathers are holding government positions while most are working in the private sector. Enough is enough. This has to end right now, and that is why we need to pass this bill into law,” dagdag pa nito.