Pantaleon Alvarez hahayaan imbestigasyon ng House ethics panel

Kasado na ang imbestigasyon ng House ethics committee kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Kasado na ang imbestigasyon ng House ethics committee kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Ito’y kaugnay sa isinampang reklamo ni Tagum City Mayor Rey Uy dahil sa umano’y ‘disorderly behavior’ ng dating House Speaker.

Saad ni Ako Bicol party-list Rep. Jil Bongalon, na tumatayo ring vice chairperson ng House ethics panel, sapat ang nilalaman ng reklamo para usisain sa Kamara si Alvarez.

Siniguro din ni Bongalon na walang halong politika ang imbestigasyon kay Alvarez.

“Wala po itong halong pulitika. Nabanggit nga po ninyo na malapit po na kaalyado ni Congressman Alvarez si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. But I guess that is immaterial in this case,” lahad ni Bongalon.

Nang matanong si Alvarez hinggil sa imbestigasyon, sinabi nito na kinikilala niya ang judgment ng House ethics committee.

“I submit to the best judgment of the House Ethics Committee,” saad ni Alvarez.