PANOORIN: Dalampasigan ng Cebu dinumog ng libu-libong isda!

Libo-libong isda ang pumuno sa dalampasigan sa Ginatilan, Cebu noong February 13.

Libo-libong isda ang pumuno sa dalampasigan sa Ginatilan, Cebu noong February 13.

Sa kuhang video ni Floramie Dacillo, makikita ang mga isdang sardinas, na kilalang ‘Tuloy’ sa lugar, na dumagsa sa dalampasigan ng Sitio Guilungsuran sa Brgy. Poblacion.

Ayon sa nag-upload ng video, apat na araw nang sunod-sunod na nangyayari ang pagdumog ng mga isda sa kanilang lugar.

Samantala, wala naman daw dapat ipangamba ang mga residente ng Ginatilan, Cebu ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Central Visayas director Mario Ruinita.

Aniya, positibong epekto umano ang pagdumog ng mga isda sa ipinatupad na 60 araw na closed fishing season sa Visayan Sea.

Dagdag pa niya, ligtas kanin ang mga isdang nagtungo sa dalampasigan.

“They should not be associated with geological phenomena. This is normal, especially since we are entering the summer season where fish is abundant,” paliwanag ni Ruinita.