PANOORIN: Daga nambulabog ulit sa NAIA!

May bago na namang daga na nagpatili sa mga pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa kuhang video ni Je Cano, makikita ang isang daga na tumatakbo malapit sa boarding gate ng NAIA.

Nangyari ito noong Martes, ilang araw lang ang nakalipas matapos na may mag-viral din sa X (Twitter) na may naispatan ding daga sa ibang parte ng Terminal 3.

“Akala ko tuloy may pa-surprise… kasi dami sumigaw. Yun pala may daga,” ayon sa uploader ng video.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay nireklamo din sa social media ang nagkalat din na surot o bedbugs sa NAIA Terminal 2 at 3.

@hashira.je Hahaha! Akala ko tuloy may pa surprise si @Air Asia Philippines 🇵🇭 kasi dami sumigaw. Yun pala may 🐀 #tiktok #fypシ #fyp #fypシ゚viral #fypage #daily #trendingvideo #viral #Today #ShotOniPhone #foryourpage #NAIA #rat #viralvideo #viraltiktok ♬ original sound – Je


Noong Martes, nakipag-usap si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines sa housekeeping at pest control service contractor ng NAIA para balaan na posible silang tanggalin kapag hindi sinunod ang nakalahad sa kanilang kontrata.