Pano si Mark Leviste? Kris Aquino nilantad new bf

Proud na inamin ni Kris Aquino na mayroon na siyang bagong boyfriend na isang doctor sa Pilipinas.

Proud na inamin ni Kris Aquino na mayroon na siyang bagong boyfriend na isang doctor sa Pilipinas.

Ayon kay Queen of All Media sa panayam ni showbiz reporter
na umere sa Youtube vlog nito, bet na bet daw ng kanyang mga anak ang bagong jowa at nagiging madali sa kanya na makisalamuha sa nobyo dahil naiintindihan nito ang kanyang sitwasyon.

“It just flowed. He’s a doctor and I think that’s part of the reason why it was easy, kasi alam niya kung ano ‘yung pinagdadaanan ko,” sabi Kris habang ‘di pinangalanan ang bagong bf.

“He’s part of the reasons why I’m confident na pwede akong umuwi, kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me. So obviously, by saying that, alam na nila na he’s a doctor based in the Philippines—in Makati,” dagdag ni Kris.

Nilinaw naman niya na hindi siya naging salawahan dahil matagal na silang hiwalay ni Batangas Vice Governor Mark Leviste bago maging sila ng bagong jowa.

Hindi rin daw ito ang naging dahilan ng hiwalayan. Si Kris kasi may nalaman na hindi niya gusto kay Mark Leviste?

“Nagkalabuan na magmula November. Sinubukang ayusin pero may mga nalaman ako na hindi ko gusto,” kumpirma ni Kris.

“Ayaw ko na magsabi pa ng more than that because part of the reason why it did not work out is I’m at the stage in my life na mas gusto ko nang tahimik,” saad niya pa.