Pano si Digong? 55% pabor makipagtulungan ang bansa sa ICC probe

Mas maraming Pinoy o 55% ang pabor na makipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Mas maraming Pinoy o 55% ang pabor na makipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Ito ay ayon sa Tugon ng Masa survey na ginawa ng Octa Research nong Disyembre 10-14, 2023 sa 1,200 na mga respondents edad 18 pataas.

Lumilitaw sa pag-aaral ng OCTA na 65% ng sumang-ayon ay mula sa Balance Luzon, 52% sa Metro Manila, 50% sa Visayas, habang 42% sa Mindanao.

Gaya ng inaasahan, Mindanao ang may pinakamalaking kontribusyon sa 45% ng mga Pinoy na tutol sa pagtulong ng bansa sa ICC probe. 58% ng mga hindi sumang-ayon ay mula sa Mindanao na balwarte ni Duterte habang 35 percent lamang ang Balance Luzon.

Sa parehong survey, 59% ng mga Pinoy din ang nagsabing payag silang na sumali muli ang Pilipinas sa ICC, habang 41% lamang ang ayaw.