Panipisin inflation! PBBM, Romualdez target pababain presyo ng kuryente, bilihin

Kumpiyansa si House Speaker Martin G. Romualdez na magagawa ng administrasyong Marcos kasama ng Kongreso na panipisin pa ang inflation sa bansa.

Kumpiyansa si House Speaker Martin G. Romualdez na magagawa ng administrasyong Marcos kasama ng Kongreso na panipisin pa ang inflation sa bansa.

Bukod rito, makakaya ring pababain pa ang presyo ng kuryente at ng mga bilihin upang mapabuti ang buhay ng pamilyang Pilipino sa bansa.

Ayon kay Romualdez, naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumagal ang galaw ng inflation mula 3.9 noong Mayo sa 3.7 nitong Hunyo ng taon.

“This means that inflation, which measures the rate of increase in the prices of goods and services, has been effectively controlled by the administration’s strategic economic policies,” saad ni Romualdez.

Pinuri ni Romualdez ang pagmaneobra ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensya na magtulong-tulong upang mapaganda ang kasalukuyang standing ng ekonomiya ng bansa.

“We will work to further reduce electricity rates and rice prices. Accomplishing that will surely lead to a further moderation of inflation,” aniya.

Nangako naman ang pinuno ng Kamara na bibigyang prayoridad ng kapulungan ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang maging abot kaya na sa lahat ang presyo ng kuryente.