Panibagong tropa! Pilipinas, makikipagtulungan sa Lithuania sa teknolohiya at iba pa

Magtutulungan ang Lithuania at Pilipinas sa larangan ng teknolohiya, cybersecurity, edukasyon, at people-to-people exchange matapos maging opisyal ang partnership agreement ng dalawang bansa.

Magkakaroon ng partnership ang Pilipinas at Lithuania sa larangan ng teknolohiya, cybersecurity, edukasyon, at people-to-people exchange.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na mayroon nang kasunduan ang dalawang bansa magpulong sina Lithuanian Non-Resident Ambassador to the Philippines Ricardas Slepavicius at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang nitong Martes, Oktubre 3.

“The Philippines and Lithuania agreed on Tuesday to collaborate on areas of technology, cybersecurity, education, and people-to-people exchanges to address various challenges,” ani Garafil sa isang pahayag.

Dagdag ni Garil, binigyang-diin ni Slepavicius na mayroong mga makabagong teknolohiya na maaaring makatulong sa Pilipinas, partikular na sa mga kumpanya sa bansa.

“I would believe that would be a basis for our future economic cooperation, create … classical one but we are thinking about corporation or partnership which could bring us together. And definitely, we do have some technological solutions, [that] could be interesting,” paliwanag ni Slepavicius kay Marcos.

Nais rin niyang magtulungan ang mga unibersidad at scientific communities ng dalawang bansa sa larangan ng teknolohiya.