Panibagong dagok! Duterte iniwan ng PDP President

Tumiwalag na sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang party president nito na si Palawan Rep. Jose “Pepito” Alvarez.

Tumiwalag na sa Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang party president nito na si Palawan Rep. Jose “Pepito” Alvarez.

Ayon sa report ng politiko.com.ph, ipinadala ni Alvarez ang isang resignation letter na may petsang June 10, 2024, ang nagsasabing agad na epektibo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto.

“Due to personal reasons, I have decided to resign from the party. I valued the opportunities and experiences presented to me and I am grateful for the support I have experienced…,” saad niya.

Panibagong dagok ang paglayas ni Alvarez sa partido ni dating Pangulong Rodrigo Duterte bago pa man dumating ang 2025 Senatorial Elections.

Nauna nang kumalas sa partido ang mahigit na 60 pulitiko mula sa Negro Occidental, na kinabibilangan ni Bacolod Mayor and bilyonaryong si Alfredo Benitez.

Nitong nakaraang buwan, kumalas din sa samahan si Cebu Gwen Garcia dahil naman sa alitan nito kay Cebu City Mayor Michael Rama, na kabilang sa PDP Laban.