Pangulo ‘di dapat inaatake kapag wala sa ‘Pinas – Zaldy Co

Hindi nagustuhan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa rally ng SMNI na napuno ng pag-atake kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hindi nagustuhan ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang pagdalo ni Vice President Sara Duterte sa rally ng SMNI na napuno ng pag-atake kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa panayam ng ‘Politiskoop’ kay Co, sinabi nito na hindi dapat pinapahiya ang Pangulo kapag wala ito sa bansa.

Matatandaan na nagtungo si Marcos sa Germany at Czech Republic noong nakaraang linggo at si VP Sara ang itinalagang caretaker ng bansa habang wala si PBBM.

“Naalala ko, previous administration, usually when the President is out specially when the President is out, hindi dapat natin sana… nagra-rally, pinapahiya ang ating Pangulo dahil for respeto po ‘yan ng ating Pangulo dala-dala ang bandila ng Pilipinas,” wika ni Co.

“Usually po hindi inaatake ang ating Pangulo… ‘yan ang usual stand ng ating bansa ‘pag nasa labas ang ating Pangulo bigyan natin siya ng dignidad, bigyan natin siya ng honor kasi dala-dala niya po ang Philippine flag to rally for support in big nations,” aniya pa.