Pangmalakasan na ‘to! Pinakamalaking barko ng AFP, roronda na sa WPS

Sa gitna ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea, tutulong na ang pinakamalaking barko na ng Armed Forces of the Philippines-Western Command na BRP Davao del Sur sa pagpapatrolya sa katubigan ng bansa.

Ang pinakamalaking barko na ng Armed Forces of the Philippines-Western Command (WESCOM) ang magpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS).

Paliwanag ni WESCOM Spokesperson Commander Ariel Joseph Coloma, tumahak na papuntang WPS ang BRP Davao del Sur, ang pinakamalaking barko ng AFP, upang manguna sa patrol operations sa katubigan ng Pilipinas.

Dumating ang BRP Davao del Sur sa Puerto Princesa City noon pang Oktubre 6 na may dalang mga family food packs na ipinamahagi pa nito sa Culion Island bago tumahak patungong WPS.

Ayon kay Coloma, malaking bagay ang pagkakadestino ng BRP Davao del Sur sa WPS, subalit umaasa rin ito na magpapadala pa ng mga karagdagang asset.

Aniya, sadyang napalaki kasi ng WSP, na aaboy sa mahigit 7,000 nautical miles, kaya’t kailangan ng mas maraming magpapatrolya dito.