Pangmalakasan dapat: PNP, pinalalakas ang cybersecurity

Gumagawa na ng mga hakbang ang PNP upang palakasin ang cybersecurity nito matapos ang mga cyberattack sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.

Ipinagutos na ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ang pag papalakas ng cybersecurity sa mga opisina ng PNP matapos ang sunod-sunod na cyberattack sa mga kawani ng gobyerno.

Sa isang press briefing sa Camp Crame, Quezon City nitong Miyerkules, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na naatasan na ang Anti-Cybercrime Group (ACG) upang siguraduhing malakas ang cybersecurity ng PNP, lalo pa’t napaulat na na-kompromiso rin ang PNP Forensic Group.

“Our ACG, in coordination with the ITMS (Information Technology Management Service), is looking into whether the integrity of the Forensic Group’s data system, particularly the DNA data system, has been compromised,” sabi ni Fajardo.

Dagdag pa ni Fajardo umiikot ang ITMS personnel sa mga opisina ng PNP upang magsagawa ng vulnerability test para malaman kung may digital systems na maaaring makompromiso ng mga hacker.