Pangit daw! Grace Poe nilait itsura ng modern jeep

Hindi man siya tutol sa modernisasyon ng mga jeep, hindi naman pasado kay Senadora Grace Poe ang disenyo ng mga modernong jeep.

Hindi man siya tutol sa modernisasyon ng mga jeep, hindi naman pasado kay Senadora Grace Poe ang disenyo ng mga modernong jeep.

“Aren’t they ugly? They look like boxes[, which] I couldn’t understand. It lacks character. The designs do not have soul,” saad ni Poe nitong Linggo.

Ayon kay Poe, dapat gayahin ng mga modern jeep ang orihinal na disenyo nito. Aniya, ito’y dahil nakakabit na ang mga jeep sa kulturang Pinoy.

“Let us allow our iconic jeepney designs to be used as long as they can keep up with the safety requirements … you can tweak the designs of these jeepneys to make it safer and more convenient for the public,” wika ng mambabatas.

“If they really want to help promote our cultural development, we can get the help of artists as consultants. They can help our drivers with the standard designs,” dugtong pa ni Poe.

Binanggit din ni Poe ang mga lokal na manufacturer ng jeep gaya ng Sarao at Francisco Motors, na parehong nagdisenyo ng modern jeep na hindi inalis ang itsura ng orihinal na Pinoy jeep.

“We should not just not modernize. We should also consider the value it gives to our tourism and history,” dagdag pa niya.